We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
11,798 senior citizens nakalibre ng sakay sa MRT-3 sa unang araw ng libreng sakay para sa mga elderly Filipinos

By Merrowen Mendoza on October 02, 2019 under News

d44ec4c0-5d64-4830-9c83-989aee36d3eb.jpg

MAGANDANG BALITA!

NASA 11,798 senior citizens ang nakalibre ng sakay sa MRT-3 sa unang araw ng implementasyon ng free rides bilang pakikiisa sa Elderly Filipino Week.

Ang pagbibigay ng libreng sakay ay nagsimula kahapon, ika-01 ng Oktubre, at ipatutupad hanggang ika-07 ng Oktubre 2019, mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi.

Ipresenta lamang po ang inyong Senior Citizen ID o kahit na anong Identification Card na magpapatunay na kayo ay 60 years old pataas upang ma-avail ang libreng sakay.

Pagpupugay para sa ating mga senior citizen!

Ingat po sa biyahe!