We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
13,408 SENIOR CITIZENS NAKALIBRE NG SAKAY SA MRT-3 SA IKALAWANG ARAW NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ELDERLY FILIPINOS

By Merrowen Mendoza on October 03, 2019 under News

b585804c-5b19-4e37-85d9-d5c8817f91ba.jpg

MAGANDANG BALITA!

NASA 13,408 senior citizens ang nakalibre ng sakay sa MRT-3 sa ikalawang araw ng implementasyon ng free rides bilang pakikiisa sa Elderly Filipino Week.

Ang pagbibigay ng libreng sakay ay nagsimula noong ika-01 ng Oktubre, at ipatutupad hanggang ika-07 ng Oktubre 2019, mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi.

Ipresenta lamang po ang inyong Senior Citizen ID o kahit na anong Identification Card na magpapatunay na kayo ay 60 years old pataas upang ma-avail ang libreng sakay.

Pagpupugay para sa ating mga senior citizen!

Ingat po sa biyahe!