We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
26,550 SENIOR CITIZENS NAKALIBRE NG SAKAY SA MRT-3 SA TATLONG ARAW NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ELDERLY FILIPINOS

By Merrowen Mendoza on October 07, 2019 under News

ac7966f3-d669-4cef-93a9-c1c7fc51c685.jpg

MAGANDANG BALITA!

NASA 26,550 senior citizens ang nakalibre ng sakay sa MRT-3 mula ika-04 hanggang ika-06 ng Oktubre 2019. Ang implementasyon ng libreng sakay ay bilang pakikiisa ng ahensya sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week.

Ang pagbibigay ng libreng sakay ay nagsimula noong ika-01 ng Oktubre, at ipatutupad hanggang ika-07 ng Oktubre 2019, mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi.

Ipresenta lamang po ang inyong Senior Citizen ID o kahit na anong Identification Card na magpapatunay na kayo ay 60 years old pataas upang ma-avail ang libreng sakay.

Pagpupugay para sa ating mga senior citizen!