We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
4,053 RILES NAILIPAT NA SA TRACKS LAYDOWN YARD SA PARANAQUE

By Merrowen Mendoza on August 28, 2019 under News

34dad3e3-39b7-4893-8748-578f0a97be2c.jpg

KUMPLETO nang nailipat ang 4,053 piraso ng bagong riles na gagamitin para sa rail replacement activities ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Tracks Laydown Yard sa Parañaque City nitong ika-26 ng Agosto 2019.

Ang libu-libong piraso ng riles na may tig-18 metrong haba na sinimulang ilipat mula Harbour Port Center sa Maynila noong ika-02 Agosto 2019 ay nakatakdang ipalit sa mga lumang riles ng MRT-3 sa darating na Nobyembre 2019 hanggang Pebrero 2021.

Inaasahan na sa darating na Setyembre 2019 ay uumpisahan nang ilatag ang mga nasabing riles sa Welding Area ng MRT-3 Taft Avenue Station.

Oras na mapalitan ang mga riles ay maiiwasan na ang pagkakatagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema o aberya sa operasyon.

Hiling po namin ang inyong pasensya at pagtitiwala habang ginagawa po namin ang lahat upang maisakatuparan ang aming pangakong maibalik sa dating kalidad ang MRT-3.