We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
BIYAHE MULA BUENDIA HANGGANG MAGALLANES, SWABENG-SWABE NA DAHIL SA BAGONG RILES NA NAIKABIT SA NASABING SEGMENT

By Merrowen Mendoza on November 27, 2019 under News

b2db3c8a-9553-4313-bca7-efb41877fd90.jpg

MAS MAGIGING SWABE na ang pagbiyahe mula sa istasyon ng Buendia hanggang Magallanes (Southbound) dahil makinis at bagung-bago na ang mga riles nito.

"Tuluy-tuloy ang pagpapalit natin ng riles dahil gusto nating ma-hit ang target na matapos ito by February 2021. Sa oras na mapalitan ito, kasabay ng pagsasaayos ng sistema at ng mga bagon, mararamdaman talaga ng ating mga pasahero ang malaking magandang pagbabago sa ating operasyon," ani MRT-3 Director for Operations Michael Capati.

Sa katunayan, nitong gabi ng 23 Nobyembre 2019, nagsimula na ang pagpapalit ng mga lumang riles mula naman sa istasyon ng Magallanes hanggang Taft Avenue.

Nagsimula ang rail replacement activities gabi ng 04 Nobyembre 2019, at target na makumpleto sa Pebrero 2021. Ginagawa ito tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.

Oras na mapalitan ng bago ang mga lumang riles ay maiiwasan na ang pagkakatagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng problema o aberya sa operasyon.

Bukod dito, magiging mas mabilis ang takbo ng mga tren, dahilan upang mapaiksi ang headway o waiting time, at madagdagan ang bilang ng mga pasaherong maseserbisyuhan ng MRT-3.