We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
BIYAHE NG MRT-3 COMMUTERS MAS MAGIGING CHILL DAHIL SA PAGKAKABIT NG 33 AIR-CONDITIONING UNITS

By Merrowen Mendoza on November 21, 2019 under News

88630ab3-c43e-4d22-8d6a-e04aa0553ef4.jpg

MAGANDANG BALITA!

MAS MAGIGING CHILL na ang biyahe ng ating mga mananakay dahil sinimulan na kagabi, 21 Nobyembre 2019, ang pagkakabit ng karagdagang 33 brand new air-conditioning units (ACUs) sa mga bagon ng MRT-3!

Sa kabuuan, 120 brand new ACUs na nagkakahalaga ng halos PhP167-M ang binili ng Sumitomo-MHI-TESP sa ilalim ng komprehensibong rehabilitasyon ng MRT-3.

Ikinabit ang unang set ng 33 ACUs na binili ng Sumitomo nitong Agosto.

Bago pa 'yan, nakapagkabit na rin ng 60 units noong nakaraang taon sa ilalim naman ng naunang Maintenance Transition Team (MTT).

We are doing our best po to improve pa more.