We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
BYAHENG WOW SA CUBAO!

By King Al Mendoza on March 12, 2020 under News

190a11dd-e00b-4ef8-925c-8177f72c7c55.jpg

BYAHENG WOW SA CUBAO!

Siguradong mapapa-wow ang mga pasahero ng MRT-3 sa smooth and easy ride mula GMA-Kamuning hanggang Cubao station (Southbound) kapag natapos na ang paglalagay ng mga bagong riles sa segment na ito. Sinimulan noong ika-6 ng Marso 2020 ang rail replacement sa nasabing segment.

Sa kabuuan, may 163 long-welded rails (LWRs), na tig-180 na metro ang haba, ang nailatag sa linya ng MRT-3. Nasa 89.44% na rin ang progreso ng distribution ng mga LWRs.

Ginagawa ang pagpapalit ng mga bagong riles tuwing 'non-revenue hours' o sa mga oras na walang operasyon, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.Kapag natapos na ang rail replacement ng buong linya, inaasahan na mababawasan ang pagkatagtag ng mga tren habang bumibiyahe na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng aberya sa operasyon. Mas bibilis na rin ang pagtakbo ng mga tren, mula 30kph hanggang 60kph. Higit, mababawasan ang 'headway' o ang pagitan ng dating ng mga tren, mula 8.5 minuto pababa ng 3.5 minuto.

Ang rail replacement activities ay bahagi ng ginagawang malawakang rehabilitasyon ng MRT-3 at inaasahang matatapos sa Pebrero 2021.