We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
GOOD VIBES: POSITIBONG KOMENTO MULA SA MGA MANANAKAY NG MRT-3 (PART 2)

By Merrowen Mendoza on October 10, 2019 under News

b136e6a6-b09f-48b8-a160-b72a6a15d671.jpg

GOOD VIBES: Kasabay ng pagbibigay natin ng libreng sakay para sa mga senior citizen at mga guro, tuluy-tuloy ang ating isinasagawang comprehensive rehabilitation ng MRT-3 upang mas mapaganda ang serbisyo sa publiko. Kasama rito ang pagsasaayos ng mga bagon, pagpapalit ng mga riles, at pag-a-upgrade ng mga signalling at communications system.

Nagsimula na rin ang pagsasaayos ng mga escalator, kung saan 30 sa 46 escalators na ang maaaring magamit ng mga pasahero. Mayroon na ring 93 bagong air-conditioning units (ACUs) ang naikabit na sa mga bagon. Magsisimula na rin sa susunod na buwan, Nobyembre, ang rail replacement activities sa linya ng MRT-3.

Makaaasa po kayo na sa oras na matapos ang full rehabilitation ay magkakaroon na ng mas mabilis at mas maginhawang biyahe ang mga pasahero ng MRT-3.

Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagtitiwala at sisiguraduhin po namin na patuloy naming ibibigay ang lahat ng aming makakaya upang matupad ang aming pangako na ibalik sa dating kalidad ang MRT-3.

Mabuhay po kayo at maraming salamat!

#DOTrPH