We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
LIBRENG SAKAY UPDATE:

By Merrowen Mendoza on July 07, 2019 under News

83ae162d-063e-4a1d-b0d0-8d5bc7f085fd.jpg

UMABOT sa 4,657 estudyante ang nagbenepisyo sa unang linggo ng implementasyon ng Student Free Ride Program ng DOTr MRT-3!

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay maaaring ma-avail ng mga estudyante mula 5:00AM hanggang 6:30AM, at mula 3:00PM hanggang 4:30PM — Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holiday.

Pasok bilang mga benepisyaryo ng Student Free Ride Program ang mga mag-aaral mula nursery hanggang kolehiyo (undergraduate lamang), gayundin ang mga nasa trade, arts, technical, vocational schools.

Layunin ng "Malasakit" Initiative na hikayatin ang mga mag-aaral na magkaroon ng disiplina sa pagpasok nang maaga sa eskwela, sabay ng pagbibigay ng insentibo ng libreng sakay upang makabawas sa kanilang gastusin.

Sa unang bahagi ng pagpapatupad ng programa, maaaring maka-avail ng libreng sakay sa simpleng pagpresenta lamang ng School ID o registration form sa station personnel o security guard na nasa service gate.

Gayunman, inaanyayahan po namin ang mga interesadong mag-aaral na mag-apply para sa Student Free Ride ID.

Maaaring makapag-apply online. Pumunta lang sa tinyurl.com/y66f8nr4 at sagutan ang application form.

Maaari rin ang personal application. Pumunta lang sa Malasakit Help Desk na makikita sa mga istasyon ng MRT-3. Magdala ng kopya ng inyong School ID, registration form, at 2x2 ID picture.

Ingat sa biyahe!