We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
​LIBRENG SAKAY UPDATE: IKAANIM NA LINGGO NG STUDENT FREE RIDE PROGRAM

By Merrowen Mendoza on August 10, 2019 under News

5cf8799b-0953-4bdd-be5d-1c181870734f.jpg

Umabot sa 6,704 pasaherong estudyante ang nagbenepisyo sa Student Free Ride Program ng DOTr MRT-3 mula 05 Agosto 2019 hanggang 09 Agosto 2019.

Sa kabuuan, 32,901 mag-aaral mula preschool hanggang kolehiyo, kasama na ang mula sa mga trade/vocational school, ang nagbenepisyo sa inisyatibo mula nang ipatupad ito noong ika-01 ng Hulyo.

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay maaaring ma-avail ng mga estudyante mula 5:00AM hanggang 6:30AM, at mula 3:00PM hanggang 4:30PM — Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holiday.

Sa unang bahagi ng pagpapatupad ng programa, maaaring maka-avail ng libreng sakay sa simpleng pagpresenta lamang ng School ID o registration form sa station personnel o security guard na nasa service gate.

Gayunman, inaanyayahan po namin ang mga interesadong mag-aaral na mag-apply para sa Student Free Ride ID.

Maaaring makapag-apply online. Pumunta lang sa tinyurl.com/y66f8nr4 at sagutan ang application form.

Pwede rin ang personal application. Pumunta lang sa Malasakit Help Desk na makikita sa mga istasyon ng MRT-3. Magdala ng kopya ng inyong School ID, registration form, at 2x2 ID picture.

Ingat sa biyahe!