We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! 170,601 estudyante na ang nagbenepisyo sa libreng sakay ng DOTr MRT-3!

By Merrowen Mendoza on November 15, 2019 under News

32feec6c-1bac-4556-a319-20cf847667be.jpg

UMABOT na sa 170,601 estudyante ang nagbenepisyo sa libreng sakay ng DOTr MRT-3, mula nang simulan ang inisyatibo noong ika-01 ng Hulyo 2019.

Ang Student Free Ride Program ay ipinatutupad mula alas-5 ng umaga hanggang alas-6:30 ng umaga, at mula alas-3 ng hapon hanggang alas-4:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, maliban na lang kung holiday o sakaling magkaroon ng suspensyon ng klase sa buong Metro Manila.

Layunin ng nasabing programa na bigyan ng insentibo sa edukasyon ang mga estudyante mula preschool hanggang kolehiyo, kasama na ang mula sa mga trade/vocational school, sa pamamagitan ng pagpapagaan sa gastusin sa pamasahe.

Sa unang bahagi ng pagpapatupad ng programa, maaaring maka-avail ng libreng sakay sa simpleng pagpresenta lamang ng School ID o registration form sa station personnel o security guard na nasa service gate.

Gayunman, inaanyayahan po namin ang mga interesadong mag-aaral na mag-apply para sa Student Free Ride ID.

Maaaring makapag-apply online. Pumunta lang sa tinyurl.com/y66f8nr4 at sagutan ang application form.

Pwede rin ang personal application. Pumunta lang sa Malasakit Help Desk na makikita sa mga istasyon ng MRT-3. Magdala ng kopya ng inyong School ID, registration form, at 2x2 ID picture.

Ingat sa biyahe!