We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! 34 SA 46 ESCALATORS NG MRT-3, FULLY OPERATIONAL NA!

By Merrowen Mendoza on November 12, 2019 under News

17fbce18-fcd9-42e0-987c-66366abb40c7.jpg

MAGANDANG BALITA!

NASA 34 sa 46 escalator units na ng MRT-3 ang fully operational!

Ito ay matapos maayos ng maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP ang dalawang escalator units sa istasyon ng Boni (Southbound) at Ayala (Southbound).

Bukod dito, nananatiling UP and RUNNING ang lahat ng 34 elevators ng MRT-3!

Ang pagsasaayos ng escalators at elevators ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3. Layon ng bagong maintenance provider na gawing operational ang lahat ng units ngayong taon — ilang buwang mas maaga sa orihinal na target date ng rehabilitasyon ng escalators at elevators.