We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! COMPLETION RATE ng installation ng fiber optic cables sa kahabaan ng linya ng MRT-3 nasa 76% na!

By Merrowen Mendoza on November 25, 2019 under News

bacf4e7c-de50-4770-9dc9-b1dad3ab523c.jpg

MAGANDANG BALITA!

Nasa 76% na ang COMPLETION RATE ng installation ng fiber optic cables (FOCs) sa kahabaan ng linya ng MRT-3!

Ito ay matapos maikabit ng Sumitomo-MHI-TESP ang 12 reels ng FOCs mula sa istasyon ng North Avenue hanggang Shaw Boulevard.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagkakabit ng mga kableng ito mula Boni Station hanggang Taft Avenue Station.

Kung dati, copper wires lamang ang ginagamit para sa signalling system ng rail line, ngayon, sa ilalim ng komprehensibong rehabilitasyon, mapapalitan na ng mas modernong kagamitan ang nasabing system.

Sa kabuuan, 20 reels ng FOCs ang ikakabit sa MRT-3 at target na matapos ito sa 31 Disyembre 2019.

Layon ng railway signalling system na mapanatili ang ligtas na distansya ng mga tren sa bawat isa habang nasa linya.