We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
​​MAGANDANG BALITA! Initial deployment period ng unang train set ng Dalian, EXTENDED!

By Merrowen Mendoza on October 31, 2019 under News

1c454723-f230-4696-ab76-8b6456082835.jpg

EXTENDED ang initial deployment period ng unang train set ng Dalian!

Tatakbo na hanggang ika-30 ng Nobyembre 2019 ang nasabing train set, mula 8:30 PM hanggang 10:30 PM, araw-araw. Ito ay mula sa inisyal na planong patakbuhin ang unang Dalian train set mula ika-15 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Oktubre 2019 lamang.

Ang dahilan ng pagpapalawig ng initial trial period ay upang maobserbahan pang mabuti ang performance ng Dalian train set sa linya ng MRT-3.

Samantala, ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, mula nang sinimulang patakbuhin ang nasabing train set sa linya ay wala naman itong naitalang isyu o aberya. Sa katunayan, positibo pa aniya ang naging tugon ng mga mananakay sa kanilang biyahe lulan ng Dalian train.

"Wala naman pong issues na lumabas. Noong tinanong po namin ang aming mga mananakay at satisfied naman po sila sa pagsakay at pag-launch natin ng Dalian train," ani Dir. Capati.

Ang extension ng trial deployment ng Dalian para sa karagdagang obserbasyon ay nakikitang makatutulong din sa inaasahang dagsa ng mga mananakay ngayong holiday season.

Ang unang Dalian train set ay kabilang na sa regular fleet ng MRT-3 na bumibiyahe araw-araw. Ito ay matapos pirmahan ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP noong ika-14 Oktubre 2019 ang kasunduang nagbibigay pahintulot na patakbuhin ang isang Dalian train set sa rail line.

Gayunman, ipinababatid ng ahensya na sa sandaling magsimula ang pagpapalit ng riles ng MRT-3 ay maaaring pansamantalang ipatigil ang deployment ng nasabing train set.

Ang isang Dalian train set na may tatlong bagon ay kayang makapagsakay ng 1,050 pasahero kada biyahe.