We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! PAGKAKABIT NG RILES MULA AYALA HANGGANG MAGALLANES, SINIMULAN NA!

By Merrowen Mendoza on November 14, 2019 under News

496b14d9-2a61-42e2-a14b-050206a9e57f.jpg

SINIMULAN NANG PALITAN ang mga lumang riles mula sa istasyon ng Ayala hanggang Magallanes (Southbound) kagabi, 13 Nobyembre 2019!

Ito ay matapos na makumpleto ang pagkakabit ng mga bagong riles mula istasyon ng Buendia hanggang Ayala (Southbound) nitong 12 Nobyembre 2019. Sa kasalukuyan ay nasa 12 sets na riles na may tig-180 metro ang haba na ang naikabit sa linya.

Ang pagpapalit ng riles ng MRT-3 na nagsimula gabi ng 04 Nobyembre 2019 at target na makumpleto sa Pebrero 2021 ay isa lamang sa mga aktibidad na nakapaloob sa malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

Ang rail replacement activities ay gagawin tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.

Oras na mapalitan ang mga riles ay maiiwasan na ang pagkakatagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema o aberya sa operasyon.

Bukod dito, inaasahan din na magiging mas mabilis ang takbo ng mga tren, dahilan upang mapaiksi ang headway o waiting time, at madoble ang bilang ng mga pasaherong maseserbisyuhan ng MRT-3.