We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! PREPARASYON PARA SA RAIL REPLACEMENT ACTIVITIES NG MRT-3, PUSPUSAN NA!

By Merrowen Mendoza on October 17, 2019 under News

4334751c-0742-4da2-9faf-f90d5eba451f.jpg

TULUY-TULOY ang paghahanda ng MRT-3 para sa nalalapit na rail replacement activities na gagawin sa darating na Nobyembre 2019!

Sa katunayan, nitong Lunes ng gabi, ika-14 Oktubre 2019, inihanda na ng Sumitomo-MHI-TESP ang mga makina at kagamitang kailangan para sa pagwe-welding ng mga riles.

Bago pa man magpatuloy sa pagpapalit ng mga riles, kailangan munang pagdugtung-dugtungin ang 10 piraso riles na may habang 18 metro kada isa upang makabuo ng isang long-welded rail (LWR) na may kabuuang haba na 180 metro.

66d606ec-8b36-4b5a-8441-fe7bdb3b4eb0.jpg

Oras na mapalitan ang mga riles ay maiiwasan na ang pagkakatagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema o aberya sa operasyon.

Ang pagpapalit ng riles ay isa lamang sa mga aktibidad na nakapaloob sa malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

Hangad po namin ang inyong pasensya at pagtitiwala habang ginagawa po namin ang lahat upang maisakatuparan ang aming pangakong maibalik sa dating kalidad ang MRT-3.