We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! RILES NG MRT-3 UNTI-UNTI NANG MAGIGING "BAKU-BAKO FREE"

By Merrowen Mendoza on January 08, 2020 under News

122d0f91-0f04-4fc6-94c0-8eac18c9ff69.jpg

UNTI-UNTI nang nagiging 'BAKU-BAKO FREE' ang mga riles ng MRT-3!

Nakumpleto na kasi ang pagkakabit ng mga bagong riles mula sa istasyon ng Buendia hanggang Taft Avenue (Southbound) at mula sa istasyon ng Buendia hanggang Magallanes (Northbound).

Ibig sabihin, mga lumang riles naman mula sa istasyon ng Magallanes hanggang Taft Avenue (Northbound) ang papalitan ng bago.

Sa ngayon, umabot na sa 68 piraso ng Long-Welded Rails (LWRs) na may tig-180 metro ang haba ang nailatag sa rail tracks ng MRT-3 mula nang sinimulan ang rail replacement activities gabi ng 04 Nobyembre 2019.

Ang palit-riles ay isinasagawa tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.

Layunin ng nasabing aktibidad na maiwasan ang pagkakatagtag ng mga bagon habang bumibiyahe sa linya. Ang vibration kasi o tagtag ay isa sa mga itinuturing na sanhi ng aberya sa operasyon.

Sa oras na maikabit ang libo-libong pirasong bagong riles, inaasahan na mas magiging mabilis ang takbo ng mga tren mula 30KPH hanggang 60KPH, dahilan upang mapaiksi ang waiting time at mas tumaas ang bilang ng pasahero na maaaring maserbisyuhan araw-araw.

Ang rail replacement activities ay target na makumpleto sa darating na Pebrero 2021.