We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! ROAD TO KINIS RILES NG MRT-3, TULUY-TULOY!

By Merrowen Mendoza on December 23, 2019 under News

3c562989-a0c1-4148-bc64-7612bff6de2c.jpg

MAGANDANG BALITA!

TULUY-TULOY ang road to "kinis riles" sa kahabaan ng linya ng MRT-3!

Ito ay matapos makumpleto ang pagkakabit ng bagong riles mula istasyon ng Buendia hanggang Taft Avenue (Southbound) at mula istasyon ng Ayala hanggang Buendia (Northbound).

Ibig sabihin, ang mga lumang riles naman sa pagitan ng Ayala at Magallanes (Northbound) ang target na mapalitan ng bago.

61e1cb71-61a7-4242-b2e4-5b90e959241b.jpg

Sa ngayon ay umabot na sa 44 piraso ng Long-Welded Rails na may tig-180 metro ang haba ang nailatag sa rail tracks ng MRT-3 mula nang sinimulan ang rail replacement activities gabi ng 04 Nobyembre 2019.

Ang nasabing aktibidad ay ginagawa tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.

Layunin ng pagpapalit-riles na maiwasan ang pagkakatagtag ng mga bagon habang ito ay nasa biyahe na isa sa tinuturing sanhi ng aberya sa operasyon.

Oras na maikabit ang libo-libong pirasong bagong riles, inaasahan na mas magiging mabilis ang takbo ng mga tren mula 30KPH hanggang 60KPH, dahilan upang mapaiksi ang waiting time at mas tumaas ang bilang ng pasahero na maaaring maserbisyuhan araw-araw.

Ang rail replacement activities ay target na matapos sa darating na Pebrero 2021.