We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
STUDENT FREE RIDE PROGRAM IKINATUWA NG MGA ESTUDYANTENG MANANAKAY

By Merrowen Mendoza on July 08, 2019 under News


PANOORIN: Ikinatuwa ng mga estudyanteng aming nakapanayam ang libreng sakay hatid ng DOTr MRT-3!

Hangarin ng programang hubugin ang kanilang disiplina na pumasok nang maaga sa eskwela, kapalit ang insentibong libreng sakay. Ito ang ambag ng DOTr MRT-3 sa pagsusulong ng edukasyon sa bansa.

Pasok bilang mga benepisyaryo ng Student Free Ride Program ang mga mag-aaral mula nursery hanggang kolehiyo (undergraduate lamang), gayundin ang mga nasa trade, arts, technical, vocational schools.

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay maaaring ma-avail ng mga estudyante mula 5:00AM hanggang 6:30AM, at mula 3:00PM hanggang 4:30PM.