We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
THERMAL SCANNERS SA MRT-3!

By King Al Mendoza on March 13, 2020 under News

9d474564-51c4-4bc0-afeb-e34ba66ef158.png

THERMAL SCANNERS SA MRT-3!

Ipinahayag ni MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati kahapon, 12 Marso 2020, ang planong paggamit ng mga thermal scanner sa mga istasyon ng MRT-3, bilang bahagi ng mga hakbang ng ahensya sa pagpigil ng pagkalat ng Coronavirus 2019 (COVID-2019).

Ibinahagi niya sa programang "Kay Susan Tayo" sa Super Radyo DZBB na hinihintay na lamang ang pag-deliver ng mga thermal scanners na gagamitin sa mga istasyon upang ma-check ang temperatura ng mga pasahero.

"Sa depot, naka-start na kami sa paggamit ng mga thermal scanner. 'Yung sa ating mga station ay hinihintay na lang natin ma-deliver ang thermal scanner. All stations will have thermal scanner," ani Director Capati.

Sa kasalakuyan, may mga safety measure na ginagawa ang ahensiya katulad ng pagsa-sanitize at pagdi-disinfect ng mga handrails, handstraps at mga upuan sa loob ng tren, paglilinis ng mga escalator at elevator, paglalagay ng mga alcohol dispenser sa mga tickets windows at pagkakaroon ng mga sabon at sanitizer sa mga restrooms.

Pinaaalalahanan ng MRT 3 ang lahat na regular na maghugas ng kamay, kumain ng mga masusustansyang pagkain, at uminom ng bitamina upang lumakas ang resistensya, at nang sa ganun ay maiwasan ang COVID-19. Higit sa lahat, kumunsulta sa doktor kung may nararamdamang mga sintomas.

Makakaasa po kayo na ginagawa ng MRT-3 ang lahat upang mapanatili ang kaligtasan ninyo, ang aming mga pasahero.

Ingat po sa byahe!