We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: MALASAKIT HELP KITS PARA SA MGA SENIOR CITIZENS AT PWDs

By King Al Mendoza on October 31, 2019 under News

e241fe92-b411-4bb8-b7cd-033321621712.png

MASAYANG TINANGGAP ng mga pasaherong senior citizens, buntis, at persons with disabilities (PWDs) ang mga Malasakit Help Kits mula sa Department of Transportation - Metro Rail Transit 3 (DOTr MRT-3), sa pamamagitan ng Malasakit Help Desks (MHDs), sa istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, Ayala at Taft Avenue. Ito ay bilang bahagi ng programang "Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019" ng ahensya.

Naglalaman ang mga Malasakit Help Kits ng mga toiletries, foldable fans, pagkain at tubig. Layunin ng bawat MHD na mabigyan ng tulong at dagdag na ginhawa ang ating mga biyahero, lalo na sa mga peak travel season.

#DOTrPH