We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN! PAGDI-DISINFECT SA LOOB NG MRT-3

By King Al Mendoza on March 10, 2020 under News

17935bd4-801f-4ea9-a36f-c79276af2bd0.jpg

TINGNAN:

PUSPUSAN ang ginagawang mga hakbang ng MRT-3 upang siguruhin ang kalinisan sa mga pasilidad nito upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-2019) at maging ligtas ang mga pasahero.

Patuloy ang ginagawang pagdi-disinfect ng mga tauhan ng MRT-3, kasama ang mga personnel ng Sumitomo-MHI-TESP, sa loob ng mga tren. Ginagawa ang pagdi-disinfect sa turnback sa North Avenue station na tumatagal ng 2-3 minuto. Anim na personnel ang naka-assign upang maglinis sa loob ng bawat tren. Pulidong nilang nililinis ang mga handstrap, handrail at mga upuan.

Sa mga istasyon, naglagay din ng mga alcohol sa mga ticket windows, habang may mga sabon naman sa loob ng mga restrooms' na maaaring gamitin ng mga pasahero.

Pinaaalalahanan ng MRT 3 ang lahat na regular na maghugas ng kamay, kumain ng mga masusustansyang pagkain, at uminom ng bitamina upang lumakas ang resistensya, at nang sa ganun ay maiwasan ang COVID-2019. Higit sa lahat, kumunsulta sa doktor kung may nararamdamang mga sintomas.,

Matatandaan na nagdeklara na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng State of Public Health Emergency ngayon, ika-9 ng Marso 2020, matapos ianunsyo ng Department of Health na may local transmission na ng COVID-2019 sa bansa. Sa ilalim ng ganitong estado, ang lahat ng ahensya ng gobyerno at local government units ay kinakailangan magbigay ng full assistance at kooperasyon sa lahat ng hakbang ng gobyerno laban sa pagkalat ng nasabing virus.

Sa kasalukuyan, may 24 kumpirmadong kaso ng COVID-2019 ang naitala ng Department of Health (DOH).

Makakaasa po kayo na ginagawa ng MRT-3 ang lahat upang mapanatili ang kaligtasan ninyo, ang aming mga pasahero.

Ingat po sa byahe!