We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
UPGRADE PA MORE! MGA BAGONG UPS UNIT

By King Al Mendoza on March 09, 2020 under News

7d7738c9-3593-4cea-950d-65918b00ef78.jpg

UPGRADE PA MORE!

Napalitan na ng mga bagung-bagong unit ng Uninterruptible Power Supply (UPS) ang mga lumang units nito sa MRT-3 Depot at sa North Avenue station kahapon, 08 Marso 2020.

Nauna na ritong na-upgrade ang mga UPS units sa mga substation ng Shaw Boulevard Station at Taft Avenue station noong Sabado, 07 Marso 2020.

Ang UPS unit ay ang ginagamit bilang back-up power supply sa mga oras ng emergency, kapag nagkaroon ng power interruption o power failure.

Ang paga-upgrade o pagpapalit ng mga bagong UPS units ay bahagi ng ginagawang malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.